Linggo, Setyembre 20, 2015

Adbokasiya

Bekinary: Bekimon Diksyunari

Prinzes Louela C. Javier
Niccolo P. Malbataan
Hernan B. Arroyo
Q1A

PANIMULA/KALIGIRAN

         Bilang kami’y mag-aaral sa pamantasan ng De La Salle Lipa, kami ay naatasan na magsagawa ng isang adbokasiya upang makatulong sa ibang tao na konektado sa wika. Ang adbokasiya ng aming grupo ay ang paggagawa ng isang munting diksyunaryo o talasalitaan na naglalaman ng iba’t-ibang salita na aming makakalap. 

     Ang usaping pangwikang matutukoy sa aming gagawaing adbokasiya ay ang pagkakaroon ng rehistro (sosyolek) sa wika sa isang pangkat ng tao na aming napili. Ang mga taong aming napili ay ang mga bakla o bading kung ating tawagin sa ating lipunan. Sila ngayon ay marami nang mga salitang ginagamit na siya na ring ginagamit ng iba sa atin. Sa aming adbokasiya inyong malalaman ang iba’t-ibang mga salitang ito.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

Bekinary: Bekimon Diksyunari. Ito ang aming napiling titulo o pamagat sa aming adbokasiyang gagawain dahil sa mga salitang pambakla ang aming kakalapin upang makagawa ng isang talasaltiaan na siyang makakatulong sa atin na mas maunawaan ang gaya nilang tao at ang kanilang sinasalita. 

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN


     Dati pa nauso ang mga salitang beki o ang tinatawag nating bekimon. Hindi natin malamanlaman ang mga ibigsabihin nito dahil gumagamit sila ng mga kakaibang termino sa bawat isang salita at minsan pa ay gumagamit sila ng pangalan ng isang sikat na tao tulad ng “Zsa Zsa Padilla” at marami pang iba. Nakakatawa man pakinggan pero nakaka-aya ito ng mga tao lalo na sa hindi pa nakakapakinig ng mga salitang beki. Sa panahon ngayun may gumagamit  ng salitang bekimon at kahanga-hanga ito dahil sila ay hindi pinoy at lalo ng hindi bakla, sila ay mag-amang galing Inglatera. Ito ay ngayun lang kumalat sa sosyal midya,” Tsong and Tsonggo” ang pangalan sa youtube. Isa pa dito, mahirap makipagkomukasyon sa mga malimit na gumamit ng mga salitang beki lalo na sa mga bakla. Ito ay karaniwan sa kanila dahil sa kanila ito nagmula pero sa atin lalo na sa mga inosenteng tao na walang alam sa bekimon kaya nagkakaroon ng hadlang sa pag-intindi nito. At hindi higit sa lahat hindi lang ito basta nila binabanggit dahil ang iba sa kanilang mga ginagamit ay may storya o pinagmulan. 

      Unang una sa lahat gusto naming maunawaan ang mga salitang beki para hindi na kami maging mang mang sa mga salita nila. Ito’y makakatulong din dahil gusto naman nating maging maayos ang komunikasyon para maganda ang pagdaloy menahe at pidbak. Gusto naming gumanda ang pakikipag komunikasyon sa kanila dahil yung mga ibang tao ay hindi sanay makipag usap sa mga bakla o dahil sila ay naiilang. Gusto naming malaman lahat ng termino kahit ito ay nakakatawa pero ito ay dagdag kaalaman sa ating bokabularyo. Ang layunin ng aming adbokasiya ay upang maging maayos ang aming napiling adbokasiya, kami ay hihingi ng madaming impormasyon sa mga bekimon. Tutuklasin naming sa pamamagitan ng pagkakaroon ng komunikasyon sa kanila at kapag nakapakinig ng salitang beki ay itatanong naming kung anong ibigsabihin nito. Itatanong din namin sa mga bekimon kung ano ang mga pinagmulan ng salitang ito. Itatanong din naming sa kanila kung bakit iyon ang napiling termino para sa litang pinaltan nila. At higit sa lahat ay itatanong naming kung ano ang pinagmulan ng bekimon. 

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

     Ang inaasahang resulta ng aming adbokasing naisip ay mas maunawaan natin ang mga sinasalita ng mga bakla. Dahil sila ay may malaking parte din sa ating lipunan dapat din nating iginagalang at nirerespeto gaya ng ibang tao. Nang dahil sa aming adbokaiya mabubukasan pa lalo ang ating isipan ukol sa kung sa paanong paraan nagkakaroon at nabubuo ang iba’t-ibang salita na ating ginagamit.  Ang adbokasiyang ito ay para sa lahat, lalo na sa mga taong mahilig gumamit ng salitang pambakla.

1 komento:

  1. Maganda ang inyong napili na adbokasiya, lalo na sa mga bakla at sa katulad namin na babae na nagamit din ng salitang pambakla

    TumugonBurahin