Sabado, Setyembre 19, 2015


"Interbyu sa bakla"

ni Niccolo Malbataan

   Ako si Niccolo P. Malbataan na kabilang sa antas ng BS Biology Q1A. Ako at ang aking mga kagrupo ay naatasan na gumawa ng isang adbokasiya. Ang titulo ng aming adbokasiya ay Bekinary: Diksyunaryo ng mga Beki. Sa aking makikipagpanyam nuong isang araw hindi naman pala ito masama at dipende na daw sa inyo kung magpapa-apekto ka. Binanggit din nya na hindi ito masamang impluwensya sa lipunan dahil naka dipende na sa atin kung gagayanhin natin sila. Kaya naman yung iba ay nagsasalita ng bekimon ay para lang sa pagpapatawa o katuwaan lang. Kung kayo ay magpapadala o nagpadala tiyak na iyong desisyon yan. Binanggit din nya na sapul bata pa lang sya ay baklain na daw sya. Sinabi din nya na may pagkakataon naman na pwede kang maging bakla kung ang lagi mong mga kasama ay bakla. Inuulit ko dipende sayo kung magpapa-apekto ka at huwag mong sisisihin ang sarili mo kung bakit ka nagging bakla.

At ngayun ay pupunta naman tayo sa mga natutunan na bekimon sa aking pananaliksik at pagpapanayam at ito ay ang mga sumusunod:

  • ·         barkyotik-walang alam na hi-tech
  • ·         Emena gushung – malanding semenarista
  • ·         cheapangga, chipipay – cheap, ka-cheapan
  • ·         fayatollah kumenis – payat
  • ·         doonek – doon
  • ·         warla – loka-loka, nawawala sa sarili, nababaliw
  • ·         katol, chimay – katulong
  • ·         kyota – bata
  • ·         success story – babae/lalaki na mukhang katulong na may lover na foreigner na masalapi
  • ·         makiyawti –mabaho
      Para naman sa aking opinyon ay mababae man o lalaki ay pwede naman siguro magsalita ng bekimon words para sa katuwaan. Yung iba kapag may biglang  nabanggit na salita ay huhusgahan agad nila ito at titingnan ka ng nakakatawang expresyon. Tulad na lang ng salitang “chipipay” nababanggit ko ito minsan dahil napapakinggan ko ito sa mga kababata kong tropa. Ngayun ko lang napagtanto na salitang bekimon pala ito. At ditto nagtatapus ang aking pagpapahayag tungkol sa Bekinary at mga ilang kaalaman tungkol sa mga beki.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento