Sabado, Setyembre 19, 2015

"Kalerkey!"

ni Hernan Arroyo

“chenes churva”, “kalerkey” at “gorabels” alam nyu bay yan? Yan ang bekimon.


     Ayon sa aking napapansin, lumalaganap na sa ngayun ang bekimon o ang tinatawag din nating “gay language”. Ang wikang ito ay lubos ng lumalaganap at maririnig nyu na saan saan kayat marami ay marahil hindi nila ito maintihihan. Tulad nga ng sabi ng iba na ang bakla hindi naman nabubuntis at nanganganak ngunit patuloy ang pagdami at tulad din yan ng gay language marahil madami ng gumagamit mapalalaki man o babae. Ang wikang ito ay sobra nakakapekto sa kulturang Pilipino ngunit nakasanayan na din naman ng nakakarami ang wikang ito. Maraming bata na rin ang mga nakakaalam ditto. Ang paglaganap nito ay marahil maka apekto sa mga susunod na henerasyon ngunit hindi naman ito lubos na makakaapekto kung gagamitin natin ito ng wasto. Ang wikang ito ay marahil isa na rin sa pamamaraan ng pagalang sa mga bakla sa ating lipunan at wala tayong karapatan na ipag bawal ito dahil wala naman silang ginagawang masamam at karumaldumal pag ginagamit nila ito. Itong wikang to para sakin ay isang gawaing malikhain ng ating mga Pilipino at marahil ito ay gawa n gating mga malilikot na pagiisip ukol sa mga salita nating pang komunikasyon. Itong wikang to ay dapat na nating gamitin  sa tama upang ito ay maging kaaya ayang gamitin at bigkasin. Hindi mo man maintindihan, baka malay mo sa bawat salitang iyon ay may  kwento sa likod nun na maaring makapag bago n gating kinabukasan

1 komento:

  1. The Casino At The Wynn - Mapyro
    Find the Wynn Casino 과천 출장마사지 At The Wynn, Las 부천 출장안마 Vegas in Las Vegas, NV, 89109. Find 제주도 출장안마 reviews 경상남도 출장마사지 and 나주 출장안마 discounts for AAA/AARP members, seniors, groups & military.

    TumugonBurahin